-- Advertisements --

Aabot sa 14 ang active cases ng coronavirus disease (COVID-19) infections sa loob ng Bureau of Corrections (BuCor) hanggang noong Abril 13.

Sa naturang bilang, isa ang inmate at isa rin ang empleyado na pawang nasa ospital, habang ang nalalabi naman ay naka self-quarantine at pagaling na.

Ayon kay BuCor Deputy Director General Gabriel Chaclag, ang mga nasa ospital ay isang inmate sa Davao Prison and Penal Farm at isang tauhan naman ng Leyte Regional Prison.

Natukoy ang mga infections na ito matapos na sumailalim sa reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) tests.

Inamin naman ni Chaclag na base sa rapid antigen tests, maraming mga persons deprived of liberty (PDLs) at personnel ang tinamaan ng virus.

Base sa records ng BuCor, sinabi ni Chaclag na hanggang noong Abril 14, mayroong 175 PDLs, 161 trainees, at 32 personnel ang nagpositibo sa COVID-19 matapos na sumailalim sa rapid antigen tests.

Gayunman, sinabi ni Chaclag na kumpiyansa ang BuCord na maayos ang paghawak ng kanilang health service sa kanlang COVID-19 situation.