Ipinagpaliban ng Kamara ang kanilang pagdinig ngayong araw sa prangkisa ng ABS-CBN at inilipat ito sa Lunes sa susunod na linggo.
Ayon kay House Committee on Legislative Franchises chairman, kailangan ng kanyang komite at ng Committee on Good Government and Public Accountability, ng sapat na panahon para sa submission ng mga dokumento na mahalaga sa kanilang pagdinig.
Sa hiwalay na panayam, kinumpirma ni House Good Government panel chair Jonathan Sy-Alvarado ang postponement ng naturang pagdinig.
Ngayong linggo sana sisimulan ng joint panels ang interpellations sa kung may paglabag ang ABS-CBN sa terms ng kanilang dating prangkisa.
Partikular na tatalakayin sana ang issue sa pagbebenta ng TV plux boxes pero gamit ang free-to-air signal na ibinigay sa kanila ng libre sa pamamagitan ng kanilang dating prangkisa.










