-- Advertisements --
bgo comelec chair garcia pnp chief acorda presscon bangued abra oct 29 2023lta

Nananatili sa ilalim ng yellow category ang lalawigan ng Abra para sa mga areas of concern sa Barangay at SK elections.

Ito ang binigyang diin ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia sa kaniyang pagbisita sa lalawigan sa kabila pa ng naitalang election-related violence kabilang ang pagbaril-patay sa isang kumakandidatong kagawad sa Barangay Palaguio,Bucay, Abra na si Catalino Turalba Sr.

Gayundin ang nakakabahalang malakihang bilang ng umatras na kandidato sa lalawigan para sa lokal na halalan na umaabot sa mahigit 200.

Pagtitiyak naman ng poll body sa publiko, sa mga taga-Abra at buong bansa na ganap na kontrolado ang sitwasyon sa Abra at sa buong bansa ng Comelec katuwang ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas, ang Armed Forces of the Philippines at Philippine Army…nato ay

Pinasasalamatan din ni Garcia ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

AV Comelec chair George Garcia

Sa ilalim ng yellow category, nangangahulugang mayroong kasaysayan ng mga insidente na may kaugnayan sa halalan sa nagdaang botohan at conserns sa posibleng paghire ng mga partisan armed group. Isinasaad din nito na ang lugar ay dati nang idineklara sa ilalim ng kontrol ng Comelec.

Nitong linggo, tinungo ni Garcia ang lalawigan ng Abra upang i-verify ang mga ulat ng malawakang pag-atras ng mga kandidato para sa BSKE bago ang botohan ngayong Lunes.

Una ng sinabi ng opisyal na nasa 254 na kandidato ang nag-pull out sa halalan, habang 58 na guro ang nagsabing hindi sila magsisilbing electoral board members.