-- Advertisements --
Nagpositibo sa coronavirus ang dating mayor ng New York City na si Rudy Giuliani.
Mismong si US President Donald Trump ang nagkumpirma ng nasabing balita.
Nagpaabot pa ng mensahe pa ang US President sa mabilisang paggalin ni Giuliani.
Magugunitang si Giuliani ang isa sa kinuhang abogado ni Trump sa pag-kuwestiyon umano ng dayaan sa nakaraang halalan.