-- Advertisements --
image 76

Naharang ng mga awtoridad ang expired na karne at iba pang frozen na produkto na nagkakahalaga ng P30 milyon sa isang bodega sa Caloocan City.

Nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), Department of Agriculture (DA), Philippine Coast Guard, at National Meat Inspection Service (NMIS) ang mga nasirang produktong pagkain sa inspeksyon ng warehouse noong Agosto 1.

Ang DA at National Meat Inspection Service ay nagsagawa ng paunang pagsusuri sa mga produktong karne at sinabing hindi ito karapat-dapat para sa pagkain ng tao.

Sinabi ng BOC na susundin ang mga tamang pamamaraan para sa profiling, case build-up, at prosecution laban sa mga mapatunayang mananagot sa nasabing mga produkto.

Ayon Kay BOC Intelligence and Investigation Service Director Verne Enciso, tinitiyak ng kanilang kawanihan na mapipigilan nito ang anumang aktibidad na taliwas sa tuntunin ng BOC sa pamamagitan sa pagdakip ng mga indibidwal o grupo na sangkot dito.

Kasabay nito, dapat din aniyang pagbutihin ang kanilang mga kakayahan sa pagbabahagi ng impormasyon sa mga pangunahing ahensya upang matukoy at hadlangan hindi lamang ang pagpasok ng iligal na inangkat na agrikultura.

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang nasabing mga produkto pati na ang mga indibidwal na namamahala sa lugar upang sampahan ng mga karampatang mga kaso.