-- Advertisements --
20220319 ppcrv comelec

Magpapakalat ang election watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ng nasa 250,000 hanggang 300,000 volunteers sa buong bansa para sa pagsubaybay sa mga development para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE 2023) ngayong araw.

Ayon kay PPCRV national coordinator Arwin Serrano, nagsagawa ng send-off ceremony ang konseho para sa kanilang volunteers nitong araw ng Linggo.

Naghahanap din ng karagdagang volunteers ang ppcrv sa iba pang mga lugar na hindi nila mababantayan.

Ang ppcrv ang accredited citizen’s arm ng Commission on Elections

Nagsimula ang botohan mula kaninang alas7 ng umaga at magtatagal hanggang alas3 ng hapon.