-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tinawag ni Former Agriculture Secretary Emmanuel ‘Manny” Piñol na “brilliant decision” ang anunsyo ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na pansamantalang pamumunuan ang Department of Agriculture sa pagsisimula ng kaniyang administrasyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Piñol, sinabi nito na tiyak na masosolusyunan ni Marcos ang nararanasang worldwide food crisis.

Ayon sa dating kalihim, hindi kaila ang mga nangyayaring kurapsyon sa agrikultura kung saan patunay rito ang mga cartels at smugglers.

Anya, karamihan sa mga opisyal ng ahensya ay tikom ang bibig sa nangyaring kurapsyon dahil mga political appointees ang mga ito.

Sa nakatakdang paghawak ni Marcos sa ahensya, tiyak anya na walang tigasin na haharang sa budget para sa agrikultura.