-- Advertisements --

Tinalo ng Denver Nuggets ang Los Angeles Lakers sa unang paghaharap ng dalawa sa 2023 NBA Western Conference Finals, 132 – 126.

Naging gitgitan ang laban ng dalawa sa pagtatapos ng game 1 habang pinipilit ng Lakers na lumamang laban sa Nuggets.

Sa unang bahagi ng laro, tinambakan na kaagad ng Nuggets ang Lakers na umabot pa sa mahigit 18 points ngunit sa pagpasok ng 2nd half, pinilit ng Lakers na burahin ang nasabing kalamangan.

Nagawa ng Lakers na habulin ang Nuggets sa pagpasok ng 4th quarter hanggang sa umabot na lamang ang kalamangan sa tatlong puntos.

Gayonpaman, nagawa pa rin ng Nuggets na lumayo sa pamamagitan ng magandang playmaking ni 2-time NBA Most Valuable Player na si Nikola Jokic.

Kumamada si Jokic ng 34 points 21 rebounds at 14 assists sa loob ng 42 minuites na paglalaro.

Nag-ambag naman ng 31 points ang kanilang guard na si Jamal Murray.

Para sa Lakers, nasayang lamang ang 40 points, 10 rebounds double-double performance ni Anthony Davis, kasama ang 26 points 12 rebounds ni Lebron James.

Magaganap ang pangalawang bakbakan ng dalawang team sa araw ng Sabado, Mayo-20, 2023