-- Advertisements --
image 51

Nagsagawa ng Close Quarter Combat ang mga tauhan ng Philippine Air Force at United States Air Force na bahagi ng isinasagawang joint military exercises nito na COPE THUNDER 23-1 sa Basa Air Base, Floridablanca, Pampanga.

Ayon kay PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, ito ay bahagi ng Subject Matter Expert Exchange na nilahukan naman ng mga tropa mula sa 544th Security Forces Squadron, 5th Fighter Wing ng Philippine Air Force, kasama ang US counterparts nito.

Aniya, layunin ng pagsasanay na ito na turuan ang mga tropa ng dalawang hukbo pahinggil sa mga fundamental tactics, techniques, at procedures sa pagsasagawa ng team level, structural based, dynamic close quarters room combat.

Pinaniniwalaang magagamit ng mga militar ang mga kaalaman na ito mula sa naturang pagsasanay pagdating sa mga pakikipagbabakan partikular na sa mapapanganib na lugar.

Ang Cope Thunder 23-1 exercises na ito sa pagitan ng PH Air Force at US Air Force ay nagsimula noong Mayo 1 na magtatagal naman hanggang Mayo 12, 2023.

Top