
Hinubaran na ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr ang pagkakakilanlan ng mga matataas na opisyal ng PNP na may kaugnayan umano sa 990 kilos na shabu raid na may katumbas na halagang PHP 6.7 billion noong Oktubre ng nakalipas na taon kung saan naaresto ng mga otoridad si PMSG Rodolfo Mayo Jr. na isa ring miyembro ng PNP-drug enforcement group.
Sa isang pulong balitaan ay iprinesenta mismo ni Abalos ang mga closed-circuit television o CCTV footage na nakuhanan noong araw ng pagkakaaresto kay Mayo kung saan makikita ang ilang opisyal ng PNP sa lugar.
Sa naturang video nadiskubre ang sabwatan at tangkang pagtakpan si Mayo matapos itong arestuhin at muling pakawalan.
Ayon ka Abalos, hindi siya nasiyahan sa report ng PNP ukol sa naturang operasyon dahil iba aniya ang nangyare kumpara sa nai-file na mga dokumento at testimonials na ibinigay ng mga sangkot na police officers dahilan kung bakit bumuo siya isang advisory board mula sa National Police Commission na tututok sa imbestigasyong ito.
Bukod pa rito ay napag-alaman din nila na mayroong 42 mga police officers ang binawasan pa ng 42 kilos ang 990 kilos na shabu na nasabat ng mga otoridad mula sa pangangalaga ni Mayo na kalauna’y narekober din ng mga otoridad sa isang abandonadong sasakyang naka-park sa kahabaan ng Boni Serrano Ave. sa San Juan City, malapit sa Camp Crame.
Kabilang sa mga kinilala ni Abalos na sangkot sa naturang ilegal na operasyon ay ang dating top 3 ng PNP na si dating Deputy Chief PNP for Operations na si PLTGEM Benjamin Santos Jr.; Police Brigadier General Narciso Domingo, Director of the PNP drug enforcement group (pdeg); Police Colonel Julian Olonan, Chief of PDEG special operations unit (sou) Region 4a; Police Captain Jonathan Sosongco, Head of the PDEG special operations unit 4a arrest team; PLTCOL Arnulfo Ibañez, OIC of PDEG special operations unit NCR; Police Major Michael Angelo Salmingo, Deputy of PDEG special operations unit NCR; PLTCOL. glenn gonzales of quezon city police district; PLT. Ashrap Amerol, Intelligence officer of PDEG intelligence and foreign liaison division; PLTCOL. Harry Lorenzo, Manila PD moriones station commander, and; PCapt Randolph Piñon, chief of PDEG sou 4a intelligence section.
Dahil sa mga rebelasyong ito ay nanawagan si Abalos sa mga sangkot na opisyal na maghain muna ng leave of absence sa loob ng linggong ito para magbigay-daan sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng National Police Commission, dahil kung hindi ay walang pagdadalawang isip niya raw sususpindihin ang mga ito sa kanilang serbisyo.
Bukod sa 11 opisyal ng pambansang pulisya ay kumpiyansa rin si Abalos na marami pang iba ang sangkot din sa nasabing ilegal na gawain










