
Pinaalalahanan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga empleyado ng gobyerno, mga menor de edad at mga dayuhang turista na magsumite ng karagdagang mga dokumento bago ang departure
Ginawa ng BI ang naturang paalala para sa holiday rush bunsod ng Holy week.
Ayon sa BI, ang mga Pilipinong opisyal at empleyado ng gobyerno ay kailangang magpresenta ng kanilang authority to travel sa ibang bansa mula sa kani-kaniyang department heads habang ang mga minors na walang kasamang adult ay dapat na magsumite ng kailangan clearance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) bago ang kanilang flight.
Para naman sa mga banyagang turista na nanatili sa bansa ng mahigit anim na buwan ay dapat na kumuiha ng kanilang emigration clearance certificates sa alinmang BI district, field, satellite at extension offices sa loob ng bansa.
Ang mga registered foreigners naman na mayroong ACR I-Cards ay maaaring kumuha ng kanilang re-entry permits sa ibang tanggapan ng BI o sa BI NAIA one stop shop bago ang kanilang flight.
Matatandaan na nabalot ng mga reklamo ang Immigration Bureau dahil sa irregular requirements ng mga kawani ng immigration.
Naliwanagan ang naturang isyu matapos kumalat ang video ng isang Pinay na nagreklamo kaugnay sa immigration officer na nagtanong ng mga irrelevant questions sa kaniya kung saan tinanong pa aniya ito kung dala niya ang kaniyang yearbook dahilan kayat na-miss nito ang kaniyang flight patungong Israel.










