-- Advertisements --

Bumaba ang dami ng naitatallang krimen sa Pilipinas ng halios 3% ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP, nakapagtala ng 36,806 focus crimes mula noong Enero 1 hanggang Disyembre 9 kumpara sa 37,881 noong 2021 o katumbas ito ng 2.84 % na pagbaba.’
Kabilang sa mga itinuturing na focus crimes ay ang murder, homicide, physical injury, robbery, theft, vehicle theft, motorcycle theft at rape.
Ayon kay PNP chief General Rodolfo Azurin Jr na ang Visayas ang nakapagtala ng malaking pagbaba sa krimen na nasa 6% sinundan ng Mindanao (3%) at Luzon (1.24%).
Karaniwang naitalang krimen ay ang pagnanakaw sa pampublikong mga lugar.
Kung kayat patuloy naman ang paalala ng PNP sa publiko na mag-ingat lalo na sa mga convergece areas.










