-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-P atay ang isang manggagawa nang saksakin ng kanyang kasama sa siyudad ng Kidapawan.

Nakilala ang biktima na si Endrico Edo Bayban,35 anyos,may asawa at nakatira sa Barangay Bato Makilala North Cotabato.

Ayon kay Kidapawan City Chief of Police,Lieutenant Colonel Ramel Hojilla nag-iinuman ang biktima at ang suspek na si Rolly Aling na residente ng Bansalan Davao Del Sur sa Purok Lanzones Brgy Meohao ng lungsod kasama ang apat na iba pa nang magkainitan ang dalawa.

Agad na kumuha ng kutsilyo ang suspek at sinasaksak ang biktima sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero binawian din ito ng buhay sa tinamo nitong sugat sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Nahuli naman sa isinagawang follow up operation ng pulisya ang suspek kasama ang mga opisyal ng barangay.

Sa ngayon ay nakapiit na sa costudial facility ng Kidapawan City PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso.