-- Advertisements --

Agad na rumesponde ang Philippine Coast Guard (PCG), sa pamamagitan ng Coast Guard Station Misamis Occidental at mga sub-station nito, sa sunog sa Barangay Baybay San Roque, Ozamiz City, Misamis Occidental noong Nobyembre 26, 2026.

Nagpakalat ang CGS MisOcc ng 30 tauhan mula sa Quick Response Team (QRT) upang tumulong sa pag-apula ng sunog at pagtiyak sa kaligtasan ng mga residente.

Tumulong din ang mga tauhan ng Coast Guard sa ligtas na paglikas ng mga apektadong pamilya at paglilipat ng kanilang mga personal na gamit sa ligtas na lugar, katuwang ang iba pang ahensiya at emergency responders.