-- Advertisements --
Arestado ang dalawang Department of the Interior and Local Government (DILG)-level Most Wanted Persons sa magkahiwalay na operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa Navotas City at Rosario, Cavite noong Nobyembre 28.
Ang isa sa mga naaresto ay nahaharap sa kasong murder, habang ang isa naman ay nahaharap sa apat na bilang ng Kidnapping and Serious Illegal Detention with Ransom. Kapwa walang inirekomendang piyansa ang mga kasong kinakaharap nila. May nakalaang P600,000 na pabuya para sa pagkakadakip sa suspek na kabilang sa DND-DILG Most Wanted Persons list.
Isinagawa ang mga operasyon sa pamamagitan ng koordinasyon ng iba’t ibang yunit ng PNP at pagpapatupad ng mga warrant of arrest.















