Patuloy ang pagtutulungan sa pagitan ng Department of Migrant Workers at Department of Foreign Affairs upang malaman ang kinaroroonan ng nasa 30 mga Pilipino na humihingi ng tulong matapos silang ipadala sa Russian-occupied territories sa Ukraine, ayon kay DMW’s budget sponsor, Senator Joel Villanueva.
Sa isang uploaded video, ipinaliwanag ng mga Pilipino na sila ay pinangakuan ng trabaho bilang cleaner at construction workers ngunit sila ay nasa ilalim ngayon ng pagsasanay bilang sundalo upang ipadala sa giyera.
Nananawagan ang mga ito sa pamahalaan ng Pilipinas upang makauwi na sa bansa.
Ayon naman kay DMW budget sponsor Senator Joel Villanueva, na ang kagawaran ay nakikipag-ugnayan na sa mga kaugnay na embahada.
Nakikipagtulungan na rin ang Department of Migrant Workers sa National Bureau of Investigation nang sa gayon ay magkaroon na ng case buildup patungkol sa mga recruitment agencies na may kaugnayan illegal recruitment schemes patungong Russia.
Ayon pa kay Cacdac na kanila nang inaalam ang mga aktwal na lokasyon ng mga Pilipino at ang kondisyon ng mga ito upang agarang mailigtas.














