Nakatakdang magkaroon ng mas malawak na access sa merkado ng South America ang mga Pilipinong exporter kasunod ng paglagda sa Philippines–Chile Comprehensive Economic Partnership Agreement (CEPA).
Ang nasabing kasunduan ang kauna-unahang bilateral free trade agreement ng Pilipinas sa isang bansa sa South America na magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mga lokal na negosyo.
Sinaksihan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Chilean President José Antonio Kast Rist ang paglagda sa kasunduan sa sidelines ng 33rd Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting sa Shenzhen, China.
Sa ilalim ng CEPA, magtatatag ang dalawang bansa ng mga bagong daan para sa mas malayang kalakalan ng mga produkto, serbisyo, at puhunan.
Bukod sa kalakalan, layunin din ng kasunduan na isulong ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Chile pagdating sa pamumuhunan, palitan ng teknolohiya, at sustainable economic development.













