-- Advertisements --

Nakatakdang ipagpatuloy ngayong araw ng Department of Justice ang pagdinig sa reklamong kinakaharap ni Senador Robin Padilla. 

Ito’y bunsod sa nagpapatuloy pa ring preliminary investiagtion ng kagawaran patungkol sa reklamong ‘obstruction of justice’ laban sa senador. 

Magugunitang sa makaraan patawag ng DOJ ay personal na nagtungo ang mambabatas sa tanggapan upang ihain ang kanyang kontra salaysay. 

Dito dinepensahan ng senador ang kanyang sarili mula sa mga alegasyon kinasasangkutan na pagtulong umano kay Sen. Bato Dela Rosa na makalabas ng senado. 

Inaakusahan kasi siyang umasiste kay Sen. Dela Rosa para matakasan ang pagsisilbi ng mga awtoridad ng ‘warrant of arrest’ inisyu ng International Criminal Court. 

Ngunit kinuwestyon lamang ang naturang warrant sapagkat dayuhan umano ito at wala naman aniyang lokal na korte nag-isyu ng ‘warrant of arrest’. 

Kaya’t nanindigan siyang hindi mananawagan sa kapwa-mambabatas na isuko nito ang kanyang sarili sa naturang International Tribunal. 

Kung maaalala, sa makaraan ding panayam ay inamin ng senador na siya’y naiinggit umano sa kaibigang mambabatas. 

Nakakaramdam aniya siya ng inggit sapagkat mga dayuhan pa mismo ang siyang naghahanap kay Senador Bato Dela Rosa. 

Sa kasalukuyan, patuloy pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad ang puganteng senador buhat nang magpakita noon pang Mayo sa Senado. 

Bagama’t mayroon nang 50-milyon piso patong sa ulo o pabuya sa makapagtuturo ng lokasyon ni Seb. Bato, wala pa ring katiyakan kung kailan tuluyan nang mahuhuli ito.