-- Advertisements --

Tuluyan ng tinanggal ng PBA ang prankisa ng Pureblends Corp na siyang nasa likod ng koponang Titan Ultra.

Ilan sa mga dahilan nito ay ang ‘gross misrepresentation’ sa pagkakaroon ng prankisa sa liga.

Dahi dito ay nagpasya ang PBA board na tuluyang tanggalin ang membership ng liga.

Kasama na rin sa paglabag ay ang financial capacity ng Pureblends at ang hindi otorisadong pagpapalit ng may-ari at control ng prankisa.

Hindi naman na nagbigay pa ang ibang detalye kung ano na ang kakahinatnan ng mga manlalaro ng Titan Ultra.

Ang nasabing prankisa ay nabili ng Pureblends mula sa NorthPort sa halagang tinatayang aabot mula P85 milyon hanggang P90-M.