-- Advertisements --

Pumanaw na sa edad na 65 ang gitarista ng sikat na English pop rock band na Duran Duran na si Andy Taylor matapos ang pakikipaglaban sa metastatic prostate cancer.

Kinumpirma ito sa joint statement na inilabas ng kaniyang pamilya at mga dating bandmates nitong Miyerkules.

Si Taylor ay una nang na-diagnose sa sakit noong 2018.

Siya ang co-writer ng ilan sa mga pinakasikat na awitin ng banda kabilang ang “Hungry Like the Wolf,” “Rio,” at “Girls on Film,” at naglunsad din ng solo career noong 1987.

Nagbigay-pugay ang kaniyang maybahay na si Tracy Wilson-Taylor at mga kasamahan sa banda sa naiwang pamana ng musikero, na naulila ang kaniyang asawa at apat na anak.

“To the world, Andy was a brilliant guitarist, but to us, he was the most wonderful husband, a loving dad and the proudest grandfather,” emosyunal na wika ni Tracy.