Libu-libong katao ang nagtipon sa iba’t ibang panig ng Turkey nitong Miyerkules, Nobyembre 25, bitbit ang kanilang mga panawagan laban sa karahasan sa mga kababaihan.
Bilang paggunita sa International Day for the Elimination of Violence Against Women, tinatayang 3,000 katao ang nagprotesta sa Istanbul sa gitna ng mahigpit na seguridad matapos ipagbawal ng pulis ang mga naturang pagtitipon sa Taksim Square ng lungsod.
“Under a police blockade, we are trying to hold a protest on November 25, the International Day for the Elimination of Violence Against Women… Women’s demands concerning their own lives … and their freedoms are being ignored,” pagbabahagi ng isang nakiprotesta.
“Unfortunately, even on November 25, there is a state mentality that prevents women from marching against violence for just one day and from expressing themselves,” paglalahad naman ng isang abogadong nakibilang sa protesta.
“This state mentality is one that protects violence. It is impossible to think of violence against women as something independent from the state. With today’s ban, we are once again seeing this,” dagdag pa nito.
Tinatayang 1,000 katao naman ang nakibahagi sa protesta sa kabesera ng Turkey sa Ankara habang daan-daang kababaihan naman, kasama ang ilang mga pulitiko, ang nagtipon sa Diyarbakır, bitbit ang mga katagang “Femicides are political” at iba pang kataga laban sa patriyarka.
Magkakaibang lugar mula sa 30 lungsod, distrito, at bayan man isinagawa ang mga naturang pagkikilos, pareho naman nitong sigaw ang panawagang, “Now is the time for women, through our own strength and free will.”
Samantala, naitala naman ng peministang organisasyon ng We Will Stop Femicide Platform ang 369 kababaihang pinatay sa bansa nitong taon, habang nakapagtala naman ito ng 462 na pagpatay noong 2025.
Kaugnay nito, umatras nitong 2021 ang pamahalaan ng Turkey sa Council of Europe’s Convention on Preventing and Combating Violence against Women and Domestic Violence o kilala rin bilang Istanbul Convention kung saan nakasaad dito ang pag-aatas ng imbestigasyon at pananagot laban sa anumang porma ng karahasan sa kababaihan.













