-- Advertisements --

Hindi maitago ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang kasabikan para pagsabak nila sa fifth window ng FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers na gaganapin sa Malaysia.

Itinuturing kasi ng beteranong basketball coach na ito ang pinakamatinding line-up ng national basketball team ng bansa.

Ipinagmamalaki din nito ang pagkakaroon ng pinakamatangkad na rosters sa lahat ng posisyon gaya nina Kai Sotto, AJ Edu ganun din sina Quentin Millora-Brown at Mike Philips.

Ilalaban din ng Gilas Pilipinas ang mgamas batang manlalaro gaya nina Dwight Ramos, Kevin Quiambao, Juan Gomez de Liano at mga experienced players gaya nina Scottie Thompson, Cjay Perez, Chris Newsome at Troy Rosario.

Asahan rin ang pagiging agresibo ni Bennie Boatwright na ito ang unang pagkakataon niyang sumabak sa Gilas Pilpinas.

Giit ni Cone na mahalaga ang performance pa rin ng Gilas kahit na maituturing na sila ay malakas pa rin.

Sa araw ng Biyernes, Nobyembre 27 ay makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Syria at sa araw ng Linggo ay makakaharap nila ang koponang Iran.

Kasalukuyang nasa pang-limang puwesto ang Gilas sa Group E na mayroong apat na panalo at apat na talo kung saan nakabinbin pa rin ang tsansa nilang makasali sa Doha, Qatar World Cup.

Sakaling ma-sweep nila ang dalawang laban na ito ay nasa pangatlong puwesto na sila para sa rnakarating sa susunod na window.

Mula pa noong araw ng Sabado ay tuloy-tuloy ang ginawang ensayo ng Gilas Pilipinas bilang bahagi ng paghahanda.