-- Advertisements --

Lumagda ang National Irrigation Administration (NIA) at Feedmix Specialist, Inc. II sa 25-taong kasunduan nitong Nobyembre 24, 2026, para sa pagtatayo at pagpapatakbo ng 100-ektaryang aquaculture farm sa Pantabangan Reservoir sa Nueva Ecija upang palakasin ang produksyon ng isda at mapakinabangan nang husto ang yamang-tubig.

Pormal na pinagtibay ang kasunduan sa NIA Central Office nina NIA Administrator Engr. Eddie G. Guillen at Feedmix Vice President for Corporate Planning Norberto O. Chingcuanco.

Sasaklawin ng proyekto ang Zones 1 and 4 ng Pantabangan Reservoir at maglalagay ng mga high-density polyethylene (HDPE) fish cages, lambat, mooring systems, at mga bangka.

Kasama rin sa itatayo ang mga support facility tulad ng mga opisina, tirahan para sa mga tauhan, at mga imbakan ng feeds.

Dumalo sa okasyon sina Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr., Government Corporate Counsel Solomon M. Hermosura, Feedmix Director of Nutrition and Technologies Harvey Uy, Pantabangan Mayor Monaliza H. Agdipa, Vice Mayor Roberto T. Agdipa, NIA Senior Deputy Administrator Engr. Robert C. Suguitan, at iba pang opisyal ng NIA.