-- Advertisements --

Kinumpirma ni Senador Bam Aquino na walang nakalaang pondo para sa Pax Silica project sa panukalang 2027 budget ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA), maging sa sarili nitong pondong nalilikom.

Ito ang naging paglilinaw ni Aquino kay Senadora Imee Marcos sa deliberasyon ng panukalang budget ng ahensya sa Senado.

Ayon kay Aquino, walang nakapaloob na alokasyon para sa proyekto sa General Appropriations Act (GAA) o sa internally generated funds ng BCDA.

Sa kanyang pagtatanong, tiniyak ng senador kung talagang walang pondong inilaan ang ahensya para sa naturang proyekto.

Ang Pax Silica ay isang inisyatiba na may kaugnayan sa pagpapalakas ng kooperasyon sa larangan ng artificial intelligence (AI), semiconductors at iba pang mahahalagang teknolohiya.