-- Advertisements --

Ipinakita ni Miss Universe Philippines Bea Millan-Windorski ang yaman ng kultura at likas na kagandahan ng Mindanao sa pamamagitan ng kanyang preliminary evening gown na tinawag niyang “The Golden Seas of Sulu.”

Ayon kay Bea, inspirasyon ng kanyang kasuotan ang makasaysayang Sulu Sea, na sumasalamin sa mayamang kultura, tradisyon at marine biodiversity ng katimugang bahagi ng Pilipinas.

Tampok sa gown ang gold at deep blue beadwork na sumisimbolo sa tradisyon ng paggawa ng ginto sa Mindanao at sa mayamang yamang-dagat ng Sulu Sea.