-- Advertisements --
Engaged na ang celebrity couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz matapos maganap ang proposal ng aktor sa kanyang longtime girlfriend sa harap ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
Ibinahagi ng dalawa sa kani-kanilang social media accounts ang video ng espesyal na sandali kung saan makikita ang pagpo-propose ni Rayver kay Julie Anne.
Sa post ni Rayver, nag-iwan naman ng sweet comment si Julie Anne na, “I love you so much rayvercruz I can’t wait to marry you.”












