-- Advertisements --

Arestado ang balik bayang Overseas Filipino worker (OFW) na dumating mula Kuala Lumpur, Malaysia, sa Mactan-Cebu International Airport noong Nobyembre 19, 2026, dahil sa kinahaharap na kaso ng paglabag sa Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

Unang nasabat ng Bureau of Immigration-Cebu ang pasahero bago ito dinala sa Mactan-Cebu International Airport Police Station (MCIAPS) para ipatupad ang warrant of arrest laban sa kanya.

May inirekomendang piyansang P24,000 para sa naturang kaso, kasalukuyang nasa kustodiya ng MCIAPS ang suspek para sa dokumentasyon at kaukulang legal na proseso.