-- Advertisements --

Matapos ang mahigit isang taong pamumuno sa Bureau of Internal Revenue (BIR), hahawakan naman ni Charlito Martin R. Mendoza ang pamamahala sa Bureau of Customs (BOC) bilang bagong commissioner nito.

Pormal na nanungkulan si Mendoza noong Nobyembre 19, 2026, kasunod ng kaniyang pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Pinalitan niya si Ariel F. Nepomuceno, na itinalaga naman bilang pinuno ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Sa kaniyang pagbabalik sa BOC, nangako si Mendoza na ipagpapatuloy at paiigtingin ang mga reporma ng ahensiya, partikular ang digitalisasyon, pagpapabilis ng proseso, pagbabawas ng red tape, at pagpapalakas ng pagpapatupad ng batas laban sa smuggling.

Binigyang-diin din niya ang pagpapabilis ng pagproseso at paglabas ng mga kargamento sa mga pantalan upang maiwasan ang pagkaantala at dagdag na gastos ng mga importer.

Partikular niyang ipinag-utos ang mas mahigpit na pagbabantay laban sa ilegal na pagpasok ng mga produkto, lalo na ng mga produktong agrikultural.