-- Advertisements --

Tinapos ng Detroit Pistons ang 12-game winning streak ng San Antonio Spurs matapos magwagi, sa score na 105-93, sa kanilang paghaharap sa San Antonio, Texas.

Nanguna sa Pistons si Cade Cunningham na nagtala ng 27 points, habang nagtapos si Daniss Jenkins na may 25 points, kabilang ang 21 points sa second half, upang pangunahan ang Detroit sa paghabol at pagkuha ng kalamangan matapos matambakan nang 14 points sa ikalawang quarter.

Nagtala rin si Ausar Thompson ng 14 points, 12 assists, 9 na rebounds, at limang steals.

Sa panig ng Spurs, nagtala si Victor Wembanyama ng 25 points at 18 rebounds, habang may 20 points naman si Dylan Harper.

Dahil sa pagkatalo, natuldukan ang 12 sunod na panalo ng Spurs.

Para sa kanilang susunod na laro, haharapin ng Pistons ang New Orleans Pelicans, habang makakaharp naman ng Spurs ang Los Angeles Clippers sa Huwebes, Nobyembre 19.