Naging mapayapa at maayos ang seguridad sa 49th ASEAN Summit and Related Summits na ginanap noong Nobyembre 15 hanggang 18 sa Metro Manila, sa tulong ng halos 20,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP).
Sa pamumuno ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., nakipag-ugnayan ang PNP sa Armed Forces of the Philippines, Presidential Security Command, mga ahensiya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng mga delegado at ng publiko.
Sa kabila ng ilang insidente sa mga kilos-protesta, pinairal ng mga pulis ang maximum tolerance at iginalang ang karapatan ng mamamayan sa mapayapang pagtitipon at pagpapahayag.
Nagpasalamat naman si Nartatez sa mga pulis, katuwang na ahensiya at publiko sa kanilang pakikiisa at sakripisyo upang maging maayos ang seguridad sa naturang pagtitipon.















