Sa mga kinauukulang awtoridad na lamang ipinauubaya ni Senador Ping Lacson ang paghawak sa mga kilos-protestang isinagawa kasabay ng ASEAN Summit.
Sa kaniyang pahayag inilabas nitong Martes, sinabi ni Lacson na umaasa siyang isinasaalang-alang ng mga awtoridad ang mga impormasyong nakalap nila at ang maingat na pagsusuri sa bawat sitwasyon bago kumilos.
Ayon sa senador, may sapat na kaalaman at karanasan ang mga kinauukulan upang harapin ang mga ganitong sitwasyon.
Matatandaang bago naging mambabatas, nagsilbi si Lacson bilang hepe ng Philippine National Police mula 1999 hanggang 2001.
Nagkaroon ng sunod-sunod na kilos-protesta sa mga araw bago ang ASEAN Summit, kung saan kabilang sa mga lumahok ang mga estudyante, katutubo, at mga grupong aktibista.
Isa sa mga naging usapin ang pag-aresto sa mahigit 200 raliyista sa Muntinlupa noong November 15, na tinawag ni Bagong Alyansang Makabayan President Renato Reyes na pinakamalaking maramihang pag-aresto sa iisang araw sa ilalim ng administrasyong Marcos.













