Ipinaliwanag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang dahilan ng pagkakaantala na makausap ng mga kaanak ang mga naarestong protesters.
Ayon sa NCRPO na dahil sa dami ng mga naaresto ay nagkaroon ng pagkaantala ng mga assesment at procedures sa mga ito.
Giit pa nila na lahat ng mga nasa kustodiya ay nabibigyan ng karapatan para makaharap ang kani-kanilang mga abogado.
Nanindigan ang NCRPO na wala silang nilabag na anumang batas dahil sa napapayagan naman ang mga kaanak ng mga naarestong protesters na dumalaw.
Magugunitang inaresto ng mga kapulisan ang mahigit 200 na protesters na nagtangkang magsagawa ng rally sa Muntinlupa City kasabay ng pagsisimula ng 49th ASEAN Summit nitong araw ng Linggo.
Inireklamo rin ni Gabriela Women’s Partylist Rep. Sarah Elago na makailang ulit silang hindi pinayagan na makapasok sa Camp Bagong Diwa sa lungsod ng Taguig.
















