-- Advertisements --

Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Sanae Takaichi na palawakin ang kooperasyon ng Pilipinas at Japan sa iba’t ibang larangan kasunod ng kanilang bilateral meeting sa Maynila.

Sa kanilang pagpupulong, tinalakay ng dalawang lider ang mga usaping panrehiyon at ang pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa, partikular sa seguridad, enerhiya, at ekonomiya.

Ayon kay Takaichi, layunin ng Japan na higit pang patatagin ang partnership ng dalawang bansa bilang Comprehensive Strategic Partners at palawakin ang pagtutulungan para sa kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Nakiisa rin ang punong ministro sa ASEAN Gala Dinner na pinangunahan ni Pangulong Marcos, kasama ang iba pang mga lider at kinatawan ng mga pandaigdigang organisasyon.