Isinusulong ni Department of Energy (DOE) Secretary Sharon S. Garin ang mas malalim na kooperasyon sa pagitan ng Canada at ng ASEAN upang matiyak ang seguridad at sustainability ng enerhiya sa rehiyon.
Sa Canada-ASEAN Business Forum 2026, iginiit niya na ang mga hakbang sa enerhiya ay nakatuon sa kapakanan ng mga pamilya at negosyo upang matiyak ang isang matatag at maunlad na kinabukasan.
Inorganisa ang porum ng Canada-ASEAN Business Council (CABC) upang pag-isahin ang mga lider sa pagtalakay ng mga oportunidad sa modernisasyon ng grid, renewable energy, at nuclear technology.
Upang maisakatuparan ang mga layuning ito, binigyang-diin ni Secretary Garin ang kahalagahan ng pag-translate ng rehiyonal na kooperasyon sa mga kongkretong proyekto at pamumuhunan.
Kasama rito ang paglulunsad ng Senior Officials Meeting on Energy–Canada (SOME–Canada) dialogue platform sa 2027 upang patatagin ang koneksyon at pangmatagalang seguridad sa enerhiya sa buong ASEAN.














