-- Advertisements --

Pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng ilang Kadiwa ng Pangulo outlets pati na ang pagtitinda ng P20 kada kilong bigas simula Nobyembre 16 hanggang 18, 2026, kasabay ng pagsasagawa ng ika-49 na ASEAN Summit sa bansa.

Bahagi ang desisyong ito ng mga mahigpit na hakbang sa seguridad, pamamahala sa trapiko, at pagpapanatili ng kaayusan habang abala ang bansa sa pagho-host ng nasabing pandaigdigang pagtitipon.

Sa kabila nito, tiniyak ng pamunuan na hindi pangkalahatan ang pagsasara dahil may ilang piling sangay pa rin ang magpapatuloy ng operasyon sa mga itinakdang araw at lokasyon upang magsilbi sa publiko.

Inaasahan namang babalik sa normal ang buong operasyon ng lahat ng Kadiwa outlets matapos ang tatlong araw na aktibidad ng summit.