-- Advertisements --
Arestado ang isang Chinese national matapos masamsam ng Philippine National Police (PNP) ang tinatayang P160 milyong halaga ng ilegal na sigarilyo at hindi rehistradong vape products sa Barangay Potrero, Malabon City.
Isinagawa ang operasyon noong Nobyembre 11 at 12 sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) at Malabon City Police.
Nasamsam sa operasyon ang 1,120 kahon ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P78 milyon at 635 kahon ng vape products na nagkakahalaga naman ng P82 milyon. Narekober din ang dalawang truck na umano’y ginagamit sa pagdadala ng mga produkto.
















