-- Advertisements --

Pormal nang dumating sa Brazil ang opisyal na tropeo ng FIFA Women’s World Cup 2027 matapos itong ilahad sa punong tanggapan ng Brazilian Football Confederation (CBF) sa Rio de Janeiro nitong Nobyembre 12.

Dumalo sa seremonya ang mga kinatawan ng FIFA, CBF at pamahalaan ng Brazil bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na torneo.

Sa kauna-unahang pagkakataon, gaganapin sa South America ang Women’s World Cup. Magsisimula ang kompetisyon sa Hunyo 24 hanggang Hulyo 25, 2027, na lalahukan ng 32 koponan sa walong lungsod sa Brazil.