-- Advertisements --

Plano ng Commission on Elections (COMELEC) na palawakin pa sa mas maraming munisipalidad sa bansa ang kanilang Special Registration Anywhere Program (SRAP) upang mas mapadali ang pagpaparehistro ng mga botante.

Ayon kay Garcia, layunin ng programa na mailapit ang voter registration sa publiko sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga registration site sa mga paaralan, mall at iba pang establisimyento.

Sa ngayon, ipinatutupad ang programa sa mga highly urbanized city at provincial capital, ngunit target nilang maabot din ang mga ordinaryong munisipalidad.

Sa ilalim ng programa, maaaring magparehistro o magpalipat ng voter registration ang isang aplikante nang hindi na kailangang bumalik sa kaniyang probinsya.