-- Advertisements --

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko sa pangingisda maging sa pagkain ng lamang dagat tulad ng shellfish sa mga coastal areas sa Eastern Visayas.

Ang babala ay matapos mapag-alaman sa isang laboratory tests na mayroong nakitang paralytic shellfish toxins na may kaugnayan sa red tide.

Sa inilabas na abiso ng BFAR-8, napag-alaman ang Carigara Bay, Irong-Irong Bay, Marainao Bay at ang Cambatutay Bay ay ang mga area kung na nagpositibo sa red tide toxins.

Ayon pa sa BFAR, nagbigay na sila ng babala sa mga residente sa Cambatutay Bay habang naghihintay ng confirmatory test results mula BFAR National Fisheries Laboratory Division.

Binalaan na ng BFAR ang publiko na iwasang mangisda, magbenta, at kumain ng kahit anong shellfish maging alamang sa mga nabanggit na apektadong baybaying dagat.

Paalala pa ng mga kagawaran na hindi natatanggal sa pagpapakulo o pagluto ang mga toxins sa isang kontaminadong shellfish.

Nilinaw naman ng BFAR, na hindi naman apektado at ligtas naman na kaininn ang ilang klase ng mga isda, pusit, hipon at alimango, at siguruhing ito ay sariwa at matanggal ang lamang loob bago hugasan.