-- Advertisements --

Makailang-ulit na nagkasagutan sina Defense counsel, Atty. Lindon Bacquel at House Prosecution counsel, Atty. Virgil Ligutan, sa ika-43 araw ng paglilitis kay VP Sara Duterte.

Sa pagtatapos ng testimoniya ni Atty. Anel Martin Antero, ang ikalimang witness ng Panel, tinanong ni Atty. Bacquel ang kanilang testigo kung magsisinungaling ba siya para kay Atty. Mans Carpio, ang asawa ni VP Sara.

Agad na nag-object si Atty. Ligutan at sinabing ‘leading’ ang katanungan ng abogado, na hindi pinapayagan sa redirect examination.

Kinalaunan, pinayagan din ni Trial Presiding Officer Sen. Chiz Escodero ang testigo na sagutin ang naturang katanungan.

Sagot naman ng testigo na si Atty. Antero, nasa ilalim siya ng panunumpa (under oath) kaya’t hindi siya magsisinungaling.