-- Advertisements --
Nagsauli ng mahigit P8 bilyong piso ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa Bureau of the Treasury (BTr) mula sa kita nito sa disposisyon ng mga ari-arian ng pamahalaan para pondohan ang mga proyektong pangkaunlaran.
Kasama ang P2.6 bilyong dibidendo na naibigay noong Mayo, umabot na sa P14.1 bilyon ang kabuuang remittance ng BCDA ngayong 2026.
Binigyang-diin ni outgoing BCDA President at CEO Joshua M. Bingcang ang kahalagahan ng bawat pisong namumuhunan sa paglikha ng trabaho at pagpapabuti ng buhay ng mga Pilipino.
Ipamamahagi ang pondo sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, kabilang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa modernisasyon nito at iba pang programang pangkaunlaran.














