-- Advertisements --

Hinimok ni Pope Leo ang mga mananampalataya na hayaang baguhin ni Hesukristo ang kanilang buhay at palayain sila mula sa kasalanan at mga bagay na naglalayo sa kanila sa tunay na pagmamahal.

Ayon sa Santo Papa, minamahal tayo ni Kristo sa kabila ng ating mga pagkukulang, ngunit hindi Niya nais na manatili tayong bihag ng kasalanan. Sa halip, ang Kanyang pag-ibig ang nagbibigay-lakas upang maputol ang mga kasalanan at maibalik ang kalayaang magmahal.

Binigyang-diin din ng Santo Papa ang kahalagahan ng paghilom sa mga sugat ng nakaraan, pagkilala sa sariling pagkakamali at pagtutuwid sa mga nagawang kasalanan hangga’t maaari.

Dagdag pa niya, mahalagang buksan ang puso sa pagbabago at hayaang gabayan ni Kristo ang bawat isa tungo sa mas makabuluhan at mapagmahal na pamumuhay.