Inilabas na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang final line-up ng Gilas Pilipinas na sasabak sa fifth window ng FIBA Basketball World Cup 2027 Asian Qualifiers na gaganapin sa Malaysia.
Pinangunahan ito ng bagong naturalized player na si Bennie Boatwright at ang nagbabalik sa Gilas na si Rhenz Abando at Kai Sotto.
Kabilang din sa final 12 sina Quentin Millora-Brown at Mike Phillips na hindi nakapaglaro noong fourth window dahil sa injury.
Kukumpleto sa final 12 sina Chris Newsome, Dwight Ramos, AJ Edu, Kevin Quiambao, Juan Gomez de Liano, Cjay Perez at Scottie Thompson.
Huling nakasama si Abando ay noong FIBA Basketball World Cup 2023 na ginanap sa Pilipinas.
Makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Syria sa Nobyembre 27 habang ang Iran ay sa Nobyembre 29 sa Karisma Arena sa Seremban, Malaysia.













