Ipinatutupad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang whole-of-government approach upang mas mapalapit at mapabilis ang paghahatid ng mga kinakailangang serbisyo at suporta sa mga magsasaka sa buong bansa.
Bilang pangunahing hakbang sa direktiba na ito, patuloy na pinalalakas ng National Irrigation Administration (NIA) ang pakikipagtulungan nito sa iba’t ibang local government units (LGUs).
Ayon sa ahensya, ang mahigpit na ugnayan sa mga lokal na pamahalaan ang susi upang matiyak na mas maraming magsasaka ang direktang makikinabang sa mga proyektong pang-irigasyon at iba pang programa ng gobyerno.
Sa pamamagitan ng pinagsama-samang lakas ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan at LGUs, mas madaling natutugunan ang mga pangangailangan ng sektor ng agrikultura sa bawat komunidad.
Layunin ng estratehiyang ito na masiguro ang sapat na suplay ng tubig, mapataas ang ani ng mga magsasaka, at itaas ang kanilang kabuhayan tungo sa pangmatagalang seguridad sa pagkain.















