-- Advertisements --

Tinanggihan ni UFC president Dana White ang alok ni US President Donald Trump na gawin siyang White House Press Secretary.

Sa ginawang pagbisita nito sa White House ay nagbiro pa siya na matagal na niyang pangarap ang maging Press Secretary.

Subalit sa huli ay nilinaw niya na wala itong anumang balak sa pulitika.

Matapos na marinig ni Trump ang pahayag na ito ni White ay nagpahayag ng pagkadismaya ito.

Magugunitang noong nakaraang araw ay inalok ni Trump ang posisyon na White House Press Secretary kay White.

Ang nasabing posisyon din ay una ng inalok niya sa American rapper na si Nicki Minaj.

Una ng sinibak sa puwesto si Katie Zacharia bilang White House Press Secretary matapos ang limang araw pa lamang nito sa puwesto.