Umabot na sa 20 na mga senador ang humimok kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magdeklara ng state of calamity sa kabila ng banta ng Super El Niño sa mga apektadong lugar sa bansa.
Nakapailalim sa Republic Act. No. 10121, na ang pagdedeklara ng state of calamity ay may agarang mandato na magkaroon ng mga hakbang tulad ng pagpapataw ng price ceiling sa mga pangunahing bilihin.
Nakapailalim din dito ang pagbabantay sa mga bilihin upang maiwasan ang hoarding at pananamantala sa presyo ng mga pangunahing commodities.
Sa rekomendasyon naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, naghain ang mga senador ng Propose Senate Resolution No. 765, na hikayatin na ang pangulo na magdeklara na ng state of calamity upang agad na matugunan ang ilang mga hamon na kakaharapin lalo na sa sekto ng agrikultura.
Ilan pa dito ang programming o reprogramming ng pondo upang kumpunihin at ayusin ang public infrastructure at mga pasilidad. Marapat din na ang pagkakaloob ng mga pautang na walang interes (no-interest loans) sa mga pinaka-apektadong sektor, na umaayon sa mga naaangkop na batas.
“Planting season ngayon sa ating mga palayan, at kailangan ng tubig. Kailangan mag-plant din tayo ng mga remedial measure tulad ng pag-impose ng price ceilings, at laban sa overpricing, profiteering, at hoarding,” ani Pangilinan.
Ilan sa mga pumirma sa resolusyon ay sina Senate President Win Gatchalian, Senate President Pro Tempore Tito Sotto, maging sina senator Kiko Pangilinan, Migz Zubiri, Bam Aquino, Risa Hontiveros, JV Ejercito, Lito Lapid, Joel Villanueva, Erwin Tulfo, Raffy Tulfo, Ping Lacson, Chiz Escudero, Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Imee Marcos, Robin Padilla, Bong Go, Camille Villar, and Mark Villar.
Ayon naman sa Department of Agriculture, nakapagtala ng halos P6.87 bilyon na agricultural losses sa halos 249,028 ektaryang kalupaan sa bansa.
Nakaamba na ang very strong El Niño sa Tropical Pacific, na maaari pang mas lumala bago matapos ang taon at patuloy na maaapektuhan ang bansa hanggang sa kalahati ng taong 2027 ayon sa PAGASA.














