Iginiit ni Senador Kiko Pangilinan na taumbayan ang may pinakamalaking papel sa pagpapasya kung sino ang dapat tumakbo sa halalan sa 2028, kasunod ng anunsyo ni Vice President Leni Robredo na hindi siya kakandidato sa pambansang posisyon sa susunod na eleksyon.
Sa kanyang pahayag, inihalintulad ni Pangilinan ang sitwasyon ni Robredo sa naging pagtakbo ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III noong 2010, na una ring tumangging tumakbo sa pagkapangulo sa kabila ng panawagan ng publiko.
Ayon kay Pangilinan, sa huli ay nanaig ang panawagan ng taumbayan kaya’t nagpasya si Aquino na kumandidato sa pagkapangulo.
Naniniwala rin ang senador na taumbayan ang muling magiging mapagpasya sa darating na 2028 elections, sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at paninindigan ng mga mamamayan sa iba’t ibang panig ng bansa at maging sa ibang bansa.
Binigyang-diin niya na hindi lamang iisang tao o maliit na grupo ang may kakayahang humubog sa direksyon ng bansa, kundi ang sama-samang pagkilos ng mamamayan.













