-- Advertisements --

Ipinabatid ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga taxpayer na kasalukuyan na nitong tinutugunan ang mga ulat kaugnay ng umanong cybersecurity breach sa koordinasyon kasama ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at Department of Information and Communications Technology-National Computer Emergency Response Team (DICT-NCERT).

Nananatili ang commitment ng BIR na palakasin ang kaniyang cybersecurity posture laban sa mga banta sa digital infrastructure ng kawanihan.

Ayon sa ahensya, agad na nagpatupad ng mga response measure upang suriin ang buong sitwasyon at tiyakin ang seguridad at integridad ng kaniyang mga sistema pati na ang taxpayer data.

Pinapayuhan naman ng kawanihan ang publiko at ang mga stakeholder na manatiling alerto at magtransaksyon lamang sa pamamagitan ng mga opisyal na channel at platform ng BIR.

Tiniyak din ng BIR na maglalabas sila ng mga karagdagang update at abiso ukol sa insidente sa oras na magkaroon na ng mga bagong impormasyon.