-- Advertisements --

Nasabat sa dalawang magkahiwalay na anti-smuggling operations ang higit P18-M halaga ng ipinuslit na sigarilyo sa Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur nitong Sabado, Nobyembre 7.

Sa Brgy. Sicayab Bucana sa Dapitan City, Zamboanga del Norte, nasamsam ang 45 master cases ng ipinuslit na sigarilyo na may tinatayang halaga na ₱14,298,450 kung saan inaresto ang isang indibidwal na umano’y suspek sa pagpuslit.

Sa isa pang operasyon Kumalarang, Zamboanga del Sur, arestado naman ng awtoridad sa isang checkpoint ang isang indibidwal matapos nitong subukang magpuslit ng 3,288 reams ng ipinuslit na sigarilyo na aabot sa halagang ₱3,758,048 na lulan ng isang delivery truck.

Ang mga naturang kontrabando naman, kabilang ang iba pang mga ebidensiya ay hawak na ng mga naturang tanggapan ng pulisy.

Iginiit naman ni PNP Chief PGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang kahalagahan ng patuloy na pagtutok at ugnayan ng kapulisan sa pagpigil sa anumang ilegal na pag-angkat ng mga produkto.

“Hindi dapat maging daan ang ating mga transport routes para makalusot ang mga produktong ilegal ang pinagmulan. We must remain alert, act on reliable information, and ensure that every intervention is supported by facts and carried out within the bounds of the law. Our goal is not only to stop these activities but also to protect legitimate businesses and the public,” saad nito.

Nasasaklaw naman ang mga isinagawang operasyon sa ilalim ng PNP Focused agenda alinsunod sa direktibang pagpapatibay sa pampublikong kaligtasan at pag-iiral ng batas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.