-- Advertisements --

Nakolekta na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang malaking bahagi ng tumagas na langis sa katubigan ng Mariveles, Bataan nitong Biyernes.

Matatandaang nakatanggap ng ulat ang PCG noong Nobyembre 5 hinggil sa hinihinalang oil spill na nakaapekto sa humigit-kumulang 500 square meters na bahagi ng katubigan sa Sitio Naswe, Barangay Ipag.

Ayon sa PCG, agad silang nagsagawa ng mga hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng tumagas na langis at mabawasan ang posibleng epekto nito sa karagatan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard upang matukoy ang pinagmulan ng insidente at kung sino ang responsable rito.

Batay sa paunang imbestigasyon, hinihinalang sinadya ang pagtatapon ng used oil sa katubigan.